PAHAYAGAN 2026: PATIMPALAK SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA AT KASAYSAYAN | Campus News
PAHAYAGAN 2026: PATIMPALAK SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA AT KASAYSAYAN

PAHAYAGAN 2026: PATIMPALAK SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA AT KASAYSAYAN

Events Published on: August 18, 2026

Idaraos ang Pahayagan 2026 sa Agosto 22, 2026, Sabado, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa DRA Hall ng St. Dominic College of Asia. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026, na naglalayong bigyang-diin ang pagpapahalaga sa wikang Filipino, kultura, at kasaysayan ng bansa.

Sa pamamagitan ng ibat ibang patimpalak, magsasama-sama ang mga mag-aaral mula sa ibat ibang paaralan upang maipamalas ang kanilang kaalaman, kasanayan, pagkamalikhain, at talento sa paggamit ng wikang Filipino.

Nagsisilbing pangunahing bahagi ng Pahayagan 2026 ang mga patimpalak na nagtatampok sa ibat ibang anyo ng pagpapahayag at malikhaing paggamit ng wika. Sa mga gawaing ito, binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong maipakita ang kanilang kakayahan habang higit na nauunawaan at napahahalagahan ang mga elementong bumubuo sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

Higit pa sa isang kompetisyon, layunin ng Pahayagan 2026 na magsilbing espasyo para sa pagpapalitan ng kaalaman at pagpapahayag ng mga pananaw ng kabataan tungkol sa wika, kultura, at pagkakakilanlan.

Sa pagtitipon ng mga mag-aaral mula sa ibat ibang paaralan, inaasahang magiging bahagi ang Pahayagan 2026 ng patuloy na pagsusulong ng paggamit at pagpapahalaga sa wikang Filipino, gayundin sa pagkilala sa husay at pagkamalikhain ng kabataang Pilipino.

← Back to Previous Page