Ang PAHAYAGAN ay ang taunang patimpalak para sa mga mag-aaral ng Senior High School na naglalayong maisulong ang mataas na pagpapahalaga sa Wikang Filipino bilang Wikang Pambasa sa pamamagitan ng mga malikhaing pagpapahayag sa pag-awit, pag-indak, pag-arte, pagtatalumpati, malikhaing pagsulat at pagdibuho.
Ang PAHAYAGAN ang nagsisilbing dedikasyon ng aming dalubhasaan sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”
Ang nasabing patimpalak ay magaganap sa ika-27 ng Agosto 2025, ng 1:00-5:00 ng hapon sa Bulwagan ng St. Dominic College of Asia, Lungsod ng Bacoor, Lalawigan ng Cavite.